Friday, February 22, 2008

oh canada

Sana meron akong kaibigan na magsasabing “anu nanaman? tara iinom nalang natin yan”


Sana meron akong tita glady na magsasabing “ok lang yan. kantahan saka food trip nalang tayo”


Sana meron akong pinsan na magsasabing “ate rona bakit? tara laro nalang tayo”


Sana meron akong tita nini na magsasabing “rona nasan ka? samahan mu ko. txtback pls. asap!”


Sana meron ako. Hanggang sana lang. dahil lahat sila iniwan ko para pumunta sa Canada para sa sinasabing nilang “future”. At ngyon nandito na ko sa Canada mag isa kong haharapin lahat ng sakit. Walang kahit na sinuman ang sasama at dadamay.


Canada? Maganda ka nga ba? sana isang umaga, pagmulat ko'y wala ka na...

Tuesday, February 19, 2008

This song is dedicated for you, my love…

I’ll never love this way again – yan ang kantang dedicated ko sa lahat ng ex-boyfriend ko hahaha.. dedicated ko sa kanila, wala kong kamalay malay na sa kanilang lahat =p basta lang everytime na inlove ako naiisip ko yang kanta na yan. para sakin wala na akong mamahalin ng ganung klaseng pagmamahal tulad ng pagmamahal ko bawat isa sa kanila. Hindi ko na mararamdaman ang ganung klaseng feeling inlove sa iba at sa kahit sino pa man.

You looked inside my fantasies
And made each one come true
Something no one else
Had ever found a way to do
I've kept the memories one by one
Since you took me in
I know I'll never love this way again

Madalas at hilig naming magkantahan sa bahay, may okasyon man o wala at kung minsan pag may S kami araw araw pa. hehehe.. kami ni tita glady at ng mga pinsan ko at kasama na rin si tita les (taga pakinig at taga set ng mic). L0L! sa mga hindi nakaka alam mga frustrated singer kami hehehe.. Minsan sa aming pagkakantahan natripan kong kantahin ang I’ll never love this way again. Inlove ako nun as usual lagi naman e hahaha.. pero ng sandaling yun hindi yung bf ko ang naisip ko kundi yung ex ko. napangiti ako kasi dinedicate ko nga pala sa kanya yun. Tapos bigla ko din naisip isa kong ex at yung isa pa. natawa ko. dun ko narealize na unconsciously nadedicate ko pala sa lahat ng ex ko yun. Hahaha.. at ngayon lahat sila ex ko nalang =P panira sa meaning ng kanta e noh hehehe..

A fool will lose tomorrow
Reaching out for yesterday
I won't turn my head in sorrow
If you should go away
I'll stand here and remember
Just how good it's been
And I know I'll never love this way again

Pero kung iisipin (kung may isip hehe..) why not cashew nut hindi ba?! Hindi naman sinabi na siya lang minahal at mamahalin e L0L! Seriously everytime na magmamahal tayo iba’t ibang level naman talaga. Merong to the highest level ang kamartyran, todo na toh ang kilig, positive ang chemistry. I’ll never love this way again, dedicated to all my ex?! Bakit ang hindi diba? Aheks! Pag nagmahal naman tayo ng tao hindi magkaka pareho e. bawat tao ibang level at klase ng pagmamahal. Kaya pwede... hehehe..

Every person is unique so we loved them uniquely too.

I know I'll never love this way again
So I keep hold in' on
Before the good is gone
I know I'll never love this way again
Hold on, hold on