Sunday, October 21, 2007

Saturday, October 20, 2007

MoVinG oN...

Pitong taon ang nakakaraan ng una akong pumasok sa isang relasyon. Isang relasyon na kahit sa murang edad ay masasabing kong tapat at totoo. Tumagal ito ng halos dalawang taon. Ngunit hindi lahat ng relasyon ay nagtatapos sa isang happy ending, tulad ng nangyari sa aking unang pag ibig. Nag hiwalay kami ng landas, ngunit ang paghihiwalay naming ay hindi naging maayos. Bagamat ako ang umayaw ay nasaktan pa rin ako, nasaktan ako dahil isang pagmamahal ang naglaho at alam kong labis ko siyang nasasaktan ngunit wala ako magawa dahil mahirap ipagpatuloy ang isang relasyon na isa na lamanng ang nagmamahal. Kahit ayaw ko ng hindi maayos na paghihiwalay ay ganun ang nangyari dahil hindi niya matanggap ang lahat. Umiwas ako at lumayo, iniwan ko siyang nasasaktan at iniwang may galit sa kanyang puso para sa akin. Hindi ko siya masisisi at nauunawaan ko ang nararamdaman niya. Alam kong panahon lang ang makakapagpahilom sa lahat. At alam ko darating ang panahong yun. Pagkalipas ng ilang taon madami akong sumunod na relasyon pero hindi tumatagal. Halos lahat ay buwan lamang pinaka matagal na ang dalawang buwan. Maikli man ay seryoso ako sa mga relasyon na yun. Kung bakit hindi tumatagal ay hindi ko alam. Hahaha… hindi ko alam kung ako ba ang may problema o sila.

Minsan sa pagbukas ko ng aking friendster isang hindi ko inaasahang kaibigan ang sumulat sa akin. Sulat ng pagpapasalamat at paghingi ng kapatawaran. Nalungkot ako ng nabasa ko ang sulat na yun kung bakit ay hindi ko sigurado. Siguro ay dahil hindi kami naghiwalay ng maayos. Hindi kami naging magkaibigan pagkatapos ng dalawang taon. Basta nalungkot ako. Naramdaman ko na lamang ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Nag log out ako sa aking friendster ng hindi sumagot sa kanyang message. Pero sa loob ng aking puso may isang mensahe na sana ay makarating sa kanya.

2007 – binalita ng aking bestfriend na may gf na siya at buntis na ang gf nya at malapit ng manganak. “oh, talaga?” yan ang naisagot ko. Naisip ko bigla nung iwan ko siya. Ilang taon na ang nakakaraan. anu kaya ang mga pinagdaan nya? Kamusta na kaya ang lola nya? (lola niya lang ang tanging nagpalaki sa kanya dahil bata palang siya ng mamatay ang kanyang nanay at ang kanyang tatay naman ay may asawa ng iba.) noon ko lamang nabalitaan na nag ka girlfriend siya uli pagkatapos ko. Ilang buwan pa bigla ko naisip na i-search ang pangalan niya sa friendster. Hindi kasi siya naka add sa friendlist ko. Nakita ko yung gf at anak nya. Nakita ko ang larawan ng isang masayang pamilya. Natuwa ako, masaya ako dahil nakikita kong masaya na siya ngayon. May isang pamilya na siyang matatawag at aalagaan hanggang sa pagtanda. Masaya ko para sa kanya.

0ct 2007, 10pm, Canada – inopen ko ang friendster ko at sinearch ang isang dating kaibigan. Sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahabang panahon at hindi magandang paghihiwalay, sumulat ako sa isang dating kaibigan. Nagpasalamat ako sa mga bagay na ibinigay at naituro niya sa akin. Binati ko siya ng HAPPY BIRTHDAY. Sabay kami magbibirthday sa Oct.22. Siguro ay hindi niya din inaasahan ang isang mensahe galing sa akin. Tulad ko na hindi inaasahan na susulat sa isang dating kaibigan. Hindi pala siguro, panigurado pala! Hehehe… Sa totoo lang ang ginawa kong pagsulat ay hindi lamang paghingi ng pasasalamat at pagbati para sa kanya kundi isang regalo na rin para sa aking sarili. Bakit? Dahil nagawa ko… I did it hehehe… Nagawa ko magpatawad at tumanggap. Malaya na ako sa isang nakaraan. Tulad niya masaya din ako, masaya ako sa aking mahal ngayon. Na kahit malayo ay nananatili ang aming pagmamahal. Hindi ko alam kung sasagot siya sa aking sulat. Hindi ko alam kung anu ang magiging reaksyon niya. Magaan ang pakiramdam ko ngayon. Ang oras na alam kong darating sa tamang panahon ay dumating na. Oras ng pagtanggap at pagpapatawad. Paglaya…