Sunday, March 8, 2009
Mahal Kita, Kaluguran Daka, I Love You..
Friday, February 22, 2008
oh canada
Tuesday, February 19, 2008
This song is dedicated for you, my love…
I’ll never love this way again – yan ang kantang dedicated ko sa lahat ng ex-boyfriend ko hahaha.. dedicated ko sa kanila, wala kong kamalay malay na sa kanilang lahat =p basta lang everytime na inlove ako naiisip ko yang kanta na yan. para sakin wala na akong mamahalin ng ganung klaseng pagmamahal tulad ng pagmamahal ko bawat isa sa kanila. Hindi ko na mararamdaman ang ganung klaseng feeling inlove sa iba at sa kahit sino pa man.
And made each one come true
Something no one else
Had ever found a way to do
I've kept the memories one by one
Since you took me in
I know I'll never love this way again
Madalas at hilig naming magkantahan sa bahay, may okasyon man o wala at kung minsan pag may S kami araw araw pa. hehehe.. kami ni tita glady at ng mga pinsan ko at kasama na rin si tita les (taga pakinig at taga set ng mic). L0L! sa mga hindi nakaka alam mga frustrated singer kami hehehe.. Minsan sa aming pagkakantahan natripan kong kantahin ang I’ll never love this way again. Inlove ako nun as usual lagi naman e hahaha.. pero ng sandaling yun hindi yung bf ko ang naisip ko kundi yung ex ko. napangiti ako kasi dinedicate ko nga pala sa kanya yun. Tapos bigla ko din naisip isa kong ex at yung isa pa. natawa ko. dun ko narealize na unconsciously nadedicate ko pala sa lahat ng ex ko yun. Hahaha.. at ngayon lahat sila ex ko nalang =P panira sa meaning ng kanta e noh hehehe..
A fool will lose tomorrow
Reaching out for yesterday
I won't turn my head in sorrow
If you should go away
I'll stand here and remember
Just how good it's been
And I know I'll never love this way again
So I keep hold in' on
Before the good is gone
I know I'll never love this way again
Hold on, hold on
Sunday, October 21, 2007
Saturday, October 20, 2007
MoVinG oN...
Minsan sa pagbukas ko ng aking friendster isang hindi ko inaasahang kaibigan ang sumulat sa akin. Sulat ng pagpapasalamat at paghingi ng kapatawaran. Nalungkot ako ng nabasa ko ang sulat na yun kung bakit ay hindi ko sigurado. Siguro ay dahil hindi kami naghiwalay ng maayos. Hindi kami naging magkaibigan pagkatapos ng dalawang taon. Basta nalungkot ako. Naramdaman ko na lamang ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Nag log out ako sa aking friendster ng hindi sumagot sa kanyang message. Pero sa loob ng aking puso may isang mensahe na sana ay makarating sa kanya.
2007 – binalita ng aking bestfriend na may gf na siya at buntis na ang gf nya at malapit ng manganak. “oh, talaga?” yan ang naisagot ko. Naisip ko bigla nung iwan ko siya. Ilang taon na ang nakakaraan. anu kaya ang mga pinagdaan nya? Kamusta na kaya ang lola nya? (lola niya lang ang tanging nagpalaki sa kanya dahil bata palang siya ng mamatay ang kanyang nanay at ang kanyang tatay naman ay may asawa ng iba.) noon ko lamang nabalitaan na nag ka girlfriend siya uli pagkatapos ko. Ilang buwan pa bigla ko naisip na i-search ang pangalan niya sa friendster. Hindi kasi siya naka add sa friendlist ko. Nakita ko yung gf at anak nya. Nakita ko ang larawan ng isang masayang pamilya. Natuwa ako, masaya ako dahil nakikita kong masaya na siya ngayon. May isang pamilya na siyang matatawag at aalagaan hanggang sa pagtanda. Masaya ko para sa kanya.
0ct 2007, 10pm, Canada – inopen ko ang friendster ko at sinearch ang isang dating kaibigan. Sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahabang panahon at hindi magandang paghihiwalay, sumulat ako sa isang dating kaibigan. Nagpasalamat ako sa mga bagay na ibinigay at naituro niya sa akin. Binati ko siya ng HAPPY BIRTHDAY. Sabay kami magbibirthday sa Oct.22. Siguro ay hindi niya din inaasahan ang isang mensahe galing sa akin. Tulad ko na hindi inaasahan na susulat sa isang dating kaibigan. Hindi pala siguro, panigurado pala! Hehehe… Sa totoo lang ang ginawa kong pagsulat ay hindi lamang paghingi ng pasasalamat at pagbati para sa kanya kundi isang regalo na rin para sa aking sarili. Bakit? Dahil nagawa ko… I did it hehehe… Nagawa ko magpatawad at tumanggap. Malaya na ako sa isang nakaraan. Tulad niya masaya din ako, masaya ako sa aking mahal ngayon. Na kahit malayo ay nananatili ang aming pagmamahal. Hindi ko alam kung sasagot siya sa aking sulat. Hindi ko alam kung anu ang magiging reaksyon niya. Magaan ang pakiramdam ko ngayon. Ang oras na alam kong darating sa tamang panahon ay dumating na. Oras ng pagtanggap at pagpapatawad. Paglaya…